Ipinakita ni Atty. Ferdinand Topacio ang isang larawan ni Cassandra Li Ong kasama sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at iba pang opisyal at personalidad.
Hindi tinukoy ni Topacio kung kailan at saan kinuha ang larawan na kinuha ni Topacio sa internet. Pero kinumpirma umano ni Ong na authentic ang litrato.

Iginiit naman ni Presidential Special Envoy Benny Techico na hindi personal na kilala nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Araneta Marcos si Ong.
Ayon kay Techico, may mga nagpapicture umanong grupo ng Chinese kay Pangulong Marcos habang nagdi-dinner sila sa isang restaurant noong 2020 na pinaunlakan naman aniya ng Presidente.