DOH, nagbabala na posibleng magpatuloy ang local transmission ng mpox sa Metro Manila

Nagbabala ang Department of Health na posibleng magpatuloy pa ang local transmission ng mpox sa Pilipinas partikular na sa Metro Manila.

Ito ay dahil naipapasa ang sakit sa pamamagitan ng skin-to-skin contact gaya ng pakikipagtalik at iba pang paraan ng pagdidikit ng balat ng mga indibidwal.

Read More:  Grade 4 student dies after school deworming in Cavite

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang si Health Sec. Ted Herbosa sa publiko na iwasan muna ang close, intimate at skin-to-skin contact upang maiwasang mahawa ng mpox.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Paglilinaw ng kalihim na hindi airbone ang mpox kaya wala aniyang dapat ikabahala ang publiko ngunit kailangan pa ring mag-ingat at sundin lang ang ipinag-uutos ng pamahalaan.