Former Board Member na may kasong murder, inaresto ng kapulisan

Inaresto ng kapulisan si dating Maguindanao Board Member Asnawi Jojo Limbona alas 11:45 bago magtanghali kahapon sa bayan ng Sultan Mastura Maguindanao del Norte.


Si Limbona ay may kinakaharap na kasong murder matapos ang nangyaring pamamaril noong January 2, 2024 sa Cotabato City na ikinasawi ng security escort ni Datu Odin Sinsuat Mayor Lester Sinsuat.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system


Sinabi ni Maguindanao Provincial Director, Police Col. Salman Sapal na kusang loob na sumuko si Limbona kasama ang kanyang legal counsel at dahil may warrat of arrest itong kinakaharap ay kanila itong inaresto.


Ayon naman kay Atty. Asgar Mandal na syang abogado ng akusado, ang kusang loob na pagsuko ng kanyang kliyenteng si Limbona ay pagpapakita umano na malinis ang konsensya nito at handang harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City


Sa ngayon nasa kostudiya ng Sultan Mastura PNP si Limbona at nakatakdang iharap sa korte na naglabas sa kanya ng warrant of arrest.