Ibinunyag ni Senator Panfilo Lacson na hiniling ng dating government official na nanguna sa procurement ng umano’y overpriced medical supplies noong nakaraang taon na na i-classify ang ilang personnel bilang confidential employees.
Ayon kay Lacson, isang buwan matapos maitalang si dating Budget Undersecretary Christopher Lao bilang executive director procurement service (PS-DBM) ng ahensya, ay sumulat ito sa Civil Service Commission para sa “reclassification ng mga empleyado bilang confidential employees.
Dahil dito, kumbisido ang mga mambabatas na mayroong premeditated plunder o ang lahat ay plinano na.
Mababatid na naglunsad ang Senado ng imbestigasyon kaunay sa procurement ng PS-DBM sa umano’y overpriced medical supplies para sa Department of Health noong nakaraang taon, kung saan ibinigay ang P8.68 billion na kontrata sa Pharmally Pharmaceutical.

Sinabi rin ng senador na niluwagan ng Food and Drug Administration ang mga requirements sa pagitan ng Marso hanggang Mayo sa pagpresenta lang ng license to operate, sa halip na papagsumitihin ng certificate of notification at application, at muling hinigpitan matapos na makapagdeliver ang Pharmally. // MHEL PACIA-TRINIDAD