Lalaking wanted sa iligal na droga, arestado sa Calatagan, Batangas

CALATAGAN – Arestado ang isang lalaking wanted dahil sa iligal na droga sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Real, Calatagan, Batangas bandang 11:45 kagabi.

Kinilala ang suspek na si Frederick Arroyo y Macalalad, 37 anyos, binata at residente ng naturang lugar.

Read More:  At least 29 decomposing dogs and cats found in Bulacan vacant lot

Ayon sa Calagatan Municipal Police Station, sa bisa ng warrant of arrest ay tuluyang naaresto ang suspek.

Siya ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Batay sa report, ang suspek ay sangkot umano sa bentahan ng iligal na droga sa kanilang bayan.

Kasalukuyan itong nakakulong sa custodial facility ng naturang himpilan.