Senior citizens na fully vaccinated vs. COVID-19, 8.9 % palang- NVOC data

8.9 percent pa lamang ng mga senior citizens sa Pilipinas ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Nina Castillo-Carandang, health social scientist at professor sa Department of Clinical Epidemiology sa University of the Philippines – Manila, batay sa datos mula sa National Vaccination Operations Center (NVOC), as of July 1, sa target na 8.2 milyong senior citizens sa ilalim ng A2 priority group, 29.32 percent lamang o nasa 2.4 milyon ang nakatanggap ng unang dose ng vaccine habang 8.9 percent lamang o 736,519 ang fully vaccinated na.

Aniya, malayo pa ang Pilipinas sa target at nais ng bansa na maabot ang 100 percent para sa unang dose. 

Dagdag ni Carandang, ang first dose vaccination coverage para sa senior citizens ang pinakamababa sa top 4 priority groups kung saan kabilang ang A1 o health workers, A3 o persons with comorbidity, at A4 o economic frontliners. 

Binigyang diin ng eksperto na batay sa survey na isinagawa ng DOH noong Mayo, nagdadalawang isip ang ilan na magpabakuna dahil sa kawalan ng tiwala sa clinical trials, pangamba sa side effects, at mga negatibong balita tungkol sa vaccine. 

Para naman sa mga seniro citizens, dahil sa kakulan ng mga ito sa impormasyon tungkol sa bauna ang rason kung bakit nag-aalangan silang magpabakuna laban sa COVID-19.

Mababatid na laging hinihimok ng mga health authorities ang priority sectors na magpabakuna na dahil ligtas ito at epektibo laban sa severe cases ng virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *