1 sundalo, 2 militia, patay sa pag-atake ng NPA sa Eastern Samar

Patay ang isang sundalo at dalawang militia sa engkwentro laban sa mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Jipapad, Eastern Samar.

Batay sa inisyal na report mula 8th Infantry Division na naka base sa Catbalogan City, inatake ng halos 60 rebelde ang pwersa ng gobyerno kaninang ala 6 ng umaga habang patungo ang militar sa Sitio Casapa, Barangay 4.

Nagawang makaganti ng putok ng government troops pero hinagisan sila ng improvised explosive device ng mga rebelde.

Dahil dito, nasawi ang isang sundalo at dalawang iba pang personnel ng Civilian Armed Force Geographical Unit (Cafgu).

Sugatan naman ang anim na iba pang CAFGU personnel sa pag-atake at agad na isinugod sa ospital.

Di pa inilalabas ng 8th ID ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *