Lalaking pinagtulungang bugbugin, binugahan ng apoy ang kanyang kalaban sa Mexico

Tila mala-action fantasy ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng grupo ng mga musikero at ng isang lalaki sa Mexico.

Pinagtulungan kasing bugbugin ng mga musikero ang isang lalaki ngunit kakaibang depensa ang ginawa nito para hindi siya madehado.

Biglang binugahan ng apoy ng lalaki ang grupo ng rumesbak ang mga ito para tulungan ang kasamahan nilang unang nakaaway ng lalaki.

Ang naturang lalake ay isa pa lang flamethrower o yung mga entertainer sa perya na nagbubuga ng apoy.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis nag-ugat ang away sa agawan ng kita. Wala namang inaresto ang mga otoridad.

Dinala naman sa hospital ang flamethrower matapos magkasugat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *