Pinakaunang kaso ng pertussis naitala na sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Nakapagtala na ng pinakaunang kaso ng pertussis ang lalawigan ng Camarines Norte batay sa inilabas na bulletin ng Department of Health Bicol nitong Huwebes, May 30.

Gayunman wala pang available na datos ang Provincial Health Office ng subukan ng Brigada News FM Daet na makakuha ng detalye kaugnay dito.

Mababatid nab ago pa man magkaroon ng kumpirmadong kaso ng pertussis sa probinsiya nagpalabas ng advisory ang PHO kaugnay sa mga dapat gawin ng publiko upang hindi tamaan ng nabanggit na sakit.

Ipinapayo ng ahensiya ang pagsusuot ng facemask, madalas na paghuhugas ng kamay, i- practice ang cough and sneeze etiquette, umiwas sa matataong lugar at palakasin ang Epidemiologic and Surveillance.

Una na ring inihayag ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco s anaging panayam ng Brigada News FM Daet na pinag- aaralan na nito ang pag- establish ng pertussis fast lane sa mga hospital sa Camarines Norte. Ang Pertussis o Whooping Cough ay nagdudulot ng matinis at ipit na paghinga matapos ang pag-ubo. Ang bata ay maaaring makaranas ng apnea o pagtigil sa paghinga, pagkahirap sa paghinga, at pagsusuka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *