Lalaking napaulat na nawawala, natagpuan patay

Patay na nang matagpuan ang lalaking napaulat na nawawala at huling nakita ng kaniyang mga kaibigan nooong ika-30 ng Hulyo, taong kasalukuyan.

Sa salaysay sa Brigada News Team ni Mark Jhon Preztosa, kaibigan ng nasawi na si Celso Barles, huli nilang nakasama si Celso alas-onse ng gabi noong ika-30 ng Hulyo.

Read More:  Woman killed in alleged jealousy-fueled stabbing; Partner arrested

Aniya, patungong Roxas ang kanilang kaibigan na nagmula sa Barangay Camaal, Quirino, Isabela gamit ang kaniyang motorsiklo.

Hanggang sa nitong umaga lamang ay napaulat nang mayroong katawan ng lalaki ang palutang-lutang sa irigasyon ng Barangay Rizal-Camaal sa nasabing bayan at kinumpirmang ito ay si Celso.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Batay naman sa mga huling nakakita sa biktima, nagpa-gas pa umano ito sa isang gasoline station at napansing lango ito sa nakalalasing na inumin.| #A.D