Ikinatuwa ni PCol Lee Allen B. Bauding ang muling pagkakatanghal sa Isabela Police Provincial Office bilang Outstanding Police Community Affairs and Development Unit sa 29th PCR Month Celebration ng PRO2 na isinagawa kahapon sa PRO 2 Grandstand ,Camp Marcelo A Adduru, Tuguegaro City Cagayan.
Ayon sa pinuno ng IPPO, patunay lamang ito sa dedikasyon at husay ng mga kapulisan ng Isabela sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Matatandaan na nakuha ng IPPO ang kahalintulad na parangal noong nakaraang taon sa ilalim ng pamumuno ni PCol Julio R. Go.
Pinarangalan din si PLtCol Lord Wilson J. Adorio, COP, Ilagan CCPS bilang Outstanding Junior PCO habang nakatanggap naman ng Special Awards ang Local Government Unit ng Cauayan City at siyudad ng Ilagan dahil sa kanilang suporta sa mga programa ng IPPO.# | A.C