Lalaking nanaksak at nakapatay sa step father sa bayan ng Mercedes apat na taon na ang nakakaraan arestado

CAMARINES NORTE- Naaresto ng mga pulis noong Sabado ang isang lalaking nanaksak at nakapatay sa kaniyang step father mahigit apat na taon na ang nakakalipas.

Kinilala ang akusado na si alyas “Amben” 28 anyos, binata, construction worker at residente ng P-1, Barangay Cayucyucan, Mercedes, Camarines Norte.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon sa ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office inaresto si alyas “Amben” sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Presiding Judge Arniel Dating ng Regional Trial Court Branch 5, Daet, Camarines Norte na may petsang Hunyo 22, 2022 at walang inirekomendang piyansa ang hukuman.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Si alyas “Amben” ang nanaksak at nakapatay sa kinakasama ng kanyang ina  na nangyari noon pang Enero 1, 2018 sa Brgy. Cayucyucan sa naturang bayan.

Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Mercedes MPS para sa kaukulang disposisyon.