CAMARINES NORTE- “Parang fiesta”
Ganito inilarawan ni Election Officer IV Virgilio Veras ng Labo, Camarines Norte ang mga tao na nagtutungo sa opisina ng Commission on Elections partikular sa naturang bayan kapag nagkakaroon ng voter’s registration.
Ngayong araw, Hulyo 4 hanggang 23 ay magsisimula na ang voter’s registration para sa December 5, 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet aminado si Veras na baka hindi na siya mag conduct ng satellite registration dahil sa dami ng barangay sa kaniyang nasasakupan.
Kung magkakaron man ay ipa- prioridad umano niya ang mga pinakamalalayong barangay upang mahikayat ang mga tao na magparehistro nang hindi na kinakailangang pumunta sa munisipyo at gumastos ng pamasahe.
Ani Veras, mayroong 52 barangay ang Labo at posibleng kulang ang 18 araw para makapagparehistro lahat ang mga nagnanais na magpa rehistro.
Kahit daw kasi magkaroon ng scheduling sa registration kada araw ay mahihirapan dahil sa dami ng barangay.
“Ang iniisip ko yung more or less 20 days na yan ay hindi pupwedeng mag- conduct ako nung sasabihin natin satellite kasi allowed yung pagka- conduct namin ng satellite registration kung saan kami mismo ang pumupunta o dumadayo dun sa mga naturang barangay sa bayan ng Labo, yun nga ang iniisip ko kung ano ang aking gagawin kasi nga 52 barangays kahit i- half day mo yun so 26 days, so kakapusin ako.”
Plano umano ni Veras na makipag ugnayan sa mga opisyal ng barangay para sa maayos na coordination sa schedule.
Samantala, tulad ng mga nagdaang voter’s registration ay ipapatupad pa rin umano ang health protocols bilang pag- iingat sa COVID- 19.
