Lalaking may kasong paglabag sa RA 9262, arestado ng kapulisan ng Sta. Elena MPS

CAMARINES NORTE- Arestado ng kapulisan ng Sta. Elena MPS ang isang lalaking may kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004.

Naganap ito dakong alas 9:30 ng umaga kahapon, April 20, 2023 sa Purok 3, Barangay Pinagbayanan, Calauag, Quezon.

Read More:  Public school teacher arrested in Davao del Oro drug bust

Ang naaresto ay kinilalang si alyas “ALEX”, 46 anyos, at residente ng Barangay Pinagbayanan, sa nasabing Bayan.

Inaresto ang akusado sa bisa ng isang warrant of arrest sa kasong RA 9262 at may nirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P80,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Read More:  Basketball game in Cebu turns deadly: 2 cousins killed in stabbing

Samantala, ang nasabing akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Elena MPS para sa kaukulang disposisyon