CAMARINES NORTE- Aprubado na ang ordinansang nag-oobliga sa mga Business Establishments sa bayan ng Jose Panganiban na magkabit ng CCTV camera.
Naaprubahan ito sa isagawang Pampublikong Pagdinig noong ika-18 ng Abril sa Convention Center, sa bayan ng Jose Panganiban
Kalakip din sa nasabing ordinansa ang pagbibigay ng mga parusa
para sa mga paglabag nito at para sa ibang layunin.
Ayun sa Author ng ordinansa na si Michael Ong Guzman, paraan umano ito upang mas mapataas ang antas ng seguridad sa lokal na pamahalaan nasabing bayan.
