Itinanghal bilang best player of the Conference ng Philippine Cup si June Mar Fajardo.

Maaari pang itaas ng 6-foot-10 slotman ang kanyang record-extending 8th Most Valuable Player award para sa 48th season ng liga.
Bulto ng criteria sa highest individual recognition ay manggagaling sa stats line ng all-Filipino.
Frontrunner si Fajardo sa halos lahat ng kategorya, nakalikom siya ng 43.12 statistical points. Humamig ang Cebuano ng 1,100 total points (472 stats, 514 media, 114 players).