Patay ang isang lalaki matapos itong dalawang beses na barilin sa ulo sa Barangay Kulapi, Lucban, Quezon nitong Linggo, Hulyo 7.
Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, dumating umano ang biktima sa nasabing lugar sakay ng kanyang motorsiklo para bumili ng sigarilyo nang bigla itong barilin ng suspek sa ulo gamit ang isang revolver.



Agad na tumakas ang suspek matapos ang insidente habang ang biktima ay isinugod sa hospital subalit idineklara rin itong dead on arrival.
Lumabas sa imbestigasyon na love triangle ang motibo sa krimen at diumano ay may relasyon ang biktima sa live-in partner ng suspek.
Samantala, patuloy ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang madakip ang naturang suspek.