Subpoena vs Guo at sa kanyang mga kapatid – bigong ma-serve sa tirahan nito sa Bamban, Tarlac

Tinanggap na ng liaison officer ng dating consultant ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na si Nancy Gamo ang subpoena na inihain laban sa kanya matapos ang ‘di pagsipot sa kamakailang pagdinig.

Sa kabilang banda, ayon Office of the Sergeant at Arms (OSAA) hindi pa nito nase-serve ang subpoena laban kay Guo at sa mga kapatid nitong sina Sheila Guo at Wesley Guo.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Lumalabas kase sa report ng OSAA na tumanggi ang kasamahan nito sa farm na tanggapin ang subpoena dahil ilang linggo ng walang paramdam si Guo sa naturang lugar at hindi rin umano nito kilala ang mga kapatid ng suspended mayor.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Pagkatapos nito, sinubukan din nilang ipa-receive ang subpoena sa munisipyo ng Bamban ngunit hindi ito tinanggap ng di umano’y personal secretary ng alkalde.

Samantala, sa ipinadala namang letter of explanation ng counsel ni Guo na si Atty. Nicole Jamilla, iginiit nitong ang alkalde lang ang kanilng inirerepresenta kung kaya’t wala silang ideya sa kinaroroonan ng iba pa.