Hanggang sa anong paraan ang magagawa mo para lang ipadama ang iyong pagmamahal sa iyong kasintahan?
Ngunit, hanggang sa anong paraan din ang magagawa mo sa ngalan ng kalapastangan?
Isang lalaki kasi kamkailan sa Australlia ang pinaniwala ang kaniyang kasintahan na nakidnap siya upang makapiling ang kaniyang kabit sa New Year’s Eve.
Nagpaalam nga ito sa kaniyang girlfriend na mayroon umano siyang mahalagang meeting na dadaluhan sa new yer’s eve ngunit, ang totoo ay upang makapiling niya ang kaniyang kabit.
Kaya naman, upang mas matagal na magsama ay nagpanggap na kidnapper ang kaniyang kabit alinsabay ng pagpadala ng mensahe sa kasintahan ni Lera na kailangan umano nitong ibigay ang kaniyang motorsiklo upang tuluyang pakawalan si Lera.
Agad naman na humingi ng tulong ang girlfriend sa otoridad at kalauna’y nakita sa isang checkpoint si Lera at dito ay dinetalye na siya’y nakidnap at nakatakas lamang.
Ngunit, tila kapansin-pansin na hindi umano maayos ang pagkakalahad nito na siyang dahilan upang pagdudahan ng kapulisan.
Kalauna’y nadiskubre rin na pineke nga nito ang kaniyang pagkakakidnap at naharap sa patong-patong na kaso at kailangan magmulta ng 25 000 Australlian dollars dahil sa pag-abala sa 200 hours na inilaan ng mga kapulisan sa nasabing pangyayari. ###WENCY LISAY