Drug den ni-raid; 4 suspek, arestado

Arestado ang apat na indibidwal sa ikinasang raid sa drug den nitong Sabado, Setyembre 30 ng umaga sa Brgy Bacolod, Irosin, Sorsogon.

Sa pinagsanib na puwersa ng PDEA Sorsogon, PNP Drug Enforcement Group at Irosin MPS, sinalakay ang nasabing drug den at naaresto ang mga suspek na kinilalang sina John Eric Baloloy, 31 taong gulang, binata, maintainer ng nasabing lugar; Jaypee Glim Baloloy, 30 taong gulang, binata, Napoleon Gallanosa, 49 n ataong gulang, binata, at Darwin Glomar, 27 taong gulang at binata.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Narekober sa lugar ang 14 na small heat sealed plastic sachets na may laman na pinaghihinalaang shabu na tumitimbang na 15 gramo at may street value na aabot sa P102K.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang apat na suspek na sa kasalukuyang ay nasa kustodiya ngayon ng Irosin MPS para sa kaukulang disposisyon.