Lalaki patay sa pamamaril sa bayan ng Datu Montawal

DEAD on the spot ang isang lalaki sa isang insidente ng pamamaril bago magtanghali kahapon sa bayan ng Datu Montawal sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Mamanaot Guial Kapal, nasa tamang edad at residente ng Barangay Pagagawan sa nasabi ring bayan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Galing umano ang biktima sa isa nilang kaanak sa Barangay Bulit at habang papauwi para maghanda ng Friday prayer sakay ng kanyang minamanehong motorsiklo ay bigla itong pinaputukan ng maraming beses.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ilang oras ding nanatili sa crime scene ang biktima dahil hindi agad ito nakilala. Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.