IPATUTUPAD na rin ng LGU-Kabuntalan ang No Movement Sunday sa kanilang bayan. Ayon kay Mayor Datu Umbra Dilangalen, ang pagpapatupad ng NO Movement Sunday ay kasunod ng naging rekomendasyon ng mga myembro ng IATF matapos ang kanilang isinagawang pagpupulong nitong Hwebes ng umaga.
Walang papayagang makalabas sa kanilang bahay sa nasabing araw at magkakaroon din ng disinfection sa municipal hall at legislative building upang matiyak na walang virus ang makakahawa lalo na sa mga empleyado nito.
Inatasan din ng alkalde ang PNP at ng Local Traffic Management Unit na doblehin ang gagawing pagbabantay sa mga entrance at exit point ng bayan.