DMW, nakikipag-ugnayan sa Japan hinggil sa sitwasyon ng mga OFW matapos 6.6 na lindol

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers sa Japan at sa ilang kumpanya upang alamin ang kalagayan at kaligtasan ng mga overseas Filipino workers.

Ito ay matapos yanigin ng 6.6 magnitude na lindol ang dalawang prefectures sa western Japan noong Abril 17, 2024.

Sa initial assessment, walang ulat ng mga pinsala o pagkamatay na kinasasangkutan ng mga Pilipino.

Gayunpaman, tiniyak ng Migrant Workers Office sa Tokyo at Osaka na magpapatuloy ang kanilang pagsubaybay sa sitwasyon sa ng mga Pilipino roon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *