SAMU’T-SARI ang naging reaksyon ng netizens sa isang lalaki sa Taiwan nang ito ay mag- propose sa kanyang long time girlfriend at humiling na hatiin nilang magkasintahan ang gastos para sa kanyang engagement ring.
Ang nasabing engagement prosposal ay ikinatuwa at binahagi ng babae sa online ngunit kinagabihan ng proposal doon hiniling nang lalaki na mag-hati sila sa magiging costing ng engament ring kahit na hindi pa ito suot ng kasintahan.
Ibinunyag ng lalaki na ang halaaga ng sising ay aabot sa 274,000.
Katwiran ng lalaki na ang pag-aasawa diumano ay para sa dalawang tao at ang lahat ay kailangang ibahagi ng pantay.
Ngunit hindi naging maganda ang naging dulot nito sa kanilang relasyon hindi na naibahagi ng lalaki ang naging cost –sharing nila ng girlfriend.
Dahil sa maraming netizens ang umalma at kumampi sa babae, sabi ng isa “ang mga lalaking hindi kayang gumastos ng pera para sa iyo, ay talagang ayaw saiyo in the first place”
Habang komento naman ng isa na “Pinili niya ang singsing na diyamante, pinili niya ang presyo, wala kang choice sa mga bagay na iyon”.
Tunay ngang mahirap pumasok sa buhay mag-asawa, kaya dapat handa ka hindi lang mentally, emotionally, at physically kundi dapat maging financially.###CD