Susuriin ng Governance Commission on Government-Owned and Controlled Corporations (GCG) kung paano tinutupad ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang mandato nito habang hinihimok ang pagsusumite ng karagdagang datos mula sa Air Traffic Management Center kaugnay ng nangyaring New Year glitch.

Ininspeksyon ni GCG Commissioner Gideon Mortel at iba pang opisyal ang CAAP facility kahapon sa Pasay City , walong araw matapos ang system glitch na humantong sa mga kanselasyon at pagkaantala ng mga flights.
Pinuri ni Mortel ang CAAP sa pagiging cooperative umano at pagiging transparent at handang ibigay sa GCG ang lahat ng impormasyon kinakailangan sa isinasagawang imbestigasyon.
Kasama ni Mortel sina GCG Director Johann Carlos Barcena, CAAP Director General Antonio Tamayo at Department of Transportation Undersecretary at CAAP Board alternate chairperson Roberto Lim.
Ang CAAP ay isa sa 118 GOCC na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng GCG.//CA