CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na patuloy ang kanilang ginagawang maintenance works sa kahabaan ng Maharlika Highway.
Ayon kay District Engineer Edwin Bermal kabilang sa kanilang mga ginagawa ay ang pagpa- potholes at patching sa mga kalsada upang mapanatili itong ligtas sa mga motorista
Nang matanong kung mayroon pang mga incoming road widening projects sa lalawigan, sinabi ni Bermal na hindi ang District Engineering Office ang makakasagot nito.
Paglilinaw ng opisyal na ang mga ginagawang road widening project sa Maharlika Highway ay nasa lebel ng Regional Office at hindi ng District.
Kung mayroon umanong mga ginagawang pagpapaayos sa Daang Maralika ay ang Regional Office umano ng DPWH ang nangangasiwa dito.
Mababatid na sa mga nagdaang road widening projects ng ahensiya ay maraming mga punong kahoy ang pinutol upang bigyang daan ang mga pagawaing bayan tulad ng road widening.
Daan- daang poste rin ng kuryente ang inilipat makaraang tamaan ng pagawaing bayan.
Sa ngayon, bagamat lumawak na ang kalsada sa lalawigan ay kapansin- pansin namang marami pa ring obstruction.
Kamakailan lang ay pinaigting ng mga LGU’s ang road clearing operation upang ibalik sa tao ang mga kalsadang dating naukupa makaraang pagtayuan ng mga struktura.
