LEGAZPI CITY – Arestado ang isang 25 anyos na lalaki matapos magpositibo umano sa iligal na droga sa Purok 10, Brgy. Homapon lungsod ng legazpi.
Kinilala ang suspek na si Micheal Aycocho Reniva, may asawa at residente ng Purok 2, Washington Drive, Brgy. Bagumbayan ng nasabing lungsod.
Ayon sa report, hapon ng ikasa ang Anti-Illegal Drug Operation sa nabanggit na barangay kung saan pinagbentahan nito ang nagpanggap na poseur ng pinaniniwalaang shabu sa halagang P10,500.00 bilang buy bust money. Narekober sa kanya ang tatlong pirasong pinaniniwalaang shabu drug at pera na ginamit sa buy bust operation at iba pang non drug items. Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.