Lalake edad 4, nakalunok ng watusi

Nakapinsala na ang paputok na watusi matapos malunok ng isang 4 na taong gulang na batang lalaki mula sa CALABARZON.

Ayon sa Department of Health lubhang mapanganib kung makalunok niyan dahil posibleng umanong humantong sa pagkamatay kung ‘di maagapan.

Sinabi ng DOH na ito ang unang kaso ng watusi ingestion ngayong taon.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Sinusubukan naman kontakin ng ahensya ang pamilya ng bata ngunit hindi na ito ma-contact.

Apila ng DOH sa pamilya ng bata, na ibalik ito sa ospital para mabigyan ng tamang medical attention.

Ang mga sintomas ng watusi poisoning ay maaaring makita ilang oras pagkatapos malunok ito at tumagal ng ilang araw.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Matagal daw ang paggamot sa poisoning at posible ring mauwi sa pagkamatay.

Payo ng DOH sakaling makalunok ng watusi, painumin ng puting itlog ang pasyente at agad na dalhin sa ospital.

Dagdag pa ng ahensya, huwag piliting pasukahin ang pasyente dahil maaari lamang itong makasama sa kanyang kalusugan.