Dahil sa lamig ng aircon nakatulog ng mahimbing si alyas Kapil sa loob mismo ng kanyang nininawakang bahay sa India.

Ito tuloy ang dahilan kung bakit siya nahuli ng mga pulis. Binuksan kasi nito ang aircon at kumuha pa ng unan para matulog.
Ayon sa mga otoridad wala ang may-ari ng bahay na si Dr. Sunil Pandey ng mangyari ang tangkang pagnanakaw. Nakadestino kasi ito sa ibang lugar.
Napansin naman ng mga kapitbahay ni Dr. Pandey na bukas ang gate ng bahay nito kaya agad nilang tinawagan ang doktor.
Agad namang humingi ng tulong ang doktor sa mga pulis para puntahan ang kanyang bahay.
Dito na nadatnan ng mga pulis ang suspek na mahimbing na natutulog habang hawak-hawak ang cellphone.