Sisi Rondina nag-sorry sa kanyang ‘offensive remarks’ sa SB19

Humingi ng paumanhin ang professional volleyball player na si Sisi Rondina sa lahat ng fans ng Ppop supergroup na SB19 na na-offend sa kanyang naging pahayag tungkol sa grupo.

Ayon kay Sisi hindi niya talaga kilala ang SB19 kaya humingi siya ng paumanhin sa mga na offend sa kanyang sinabi.

Samantala, bago humingi ng paumanhin si Sisi ay nauna nang naglabas ng pahayag ang member at lider ng grupo na si Pablo.

Giit ni Pablo na hangarin ng kanilang grupo na iangat at ipakita sa buong mundo ang talento ng mga Pilipino sa pamamagitan ng musika.

Pinaalala rin niya sa kanilang fans na maging maingat at sensitibo sa pagkukomento sa ibang tao.

Naiintindihan rin aniya ng SB19 na hindi lahat ng tao ay hinahanggan at kilala sila.

Gayunpaman sinabi ni Pablo na hindi ito basehan para mambatikos at ipahiya ang isang kapwa Pilipino na wala rin ibang hangad kundi ang magbigay-karangalan sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *