Lahat ng senior sa Legazpi makakatanggap ng ayuda anuman ang estado sa buhay — LGU

BICOL—Siniguro ng local na pamahalaan ng lungsod ng Legazpi na makakatanggap ng asistensya ang lahat ng registered senior citizens sa lungsod anuman ang kanilang estado sa buhay.

Ito ay bilang ayuda ngayong nasa gitna ng pandemya ang lahat upang kahit papaano ay maibsan ang matinding epekto ng krisis na idinulot nito.

Kinumpirma ni Mayor Noel Rosal na mabibigyan ng tig P1,500 na cash aid ang mga senior citizen na nakarehistro sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa lungsod.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Gagawin ang payout sa pamamagitan ng clustering sa southern at northern barangays kung saan i-aanunsyo na lamang ang magiging schedule.

Bunsod nito ay inabisuhan ng alkalde ang mga hindi pa nakakapagparehistro sa OSCA na magtungo na sa nasabing tanggapan upang mapabilang sa listahan ng mga mabibigyan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa kasalukuyan, mayroong nasa 18,600 registered senior citizens ang lungsod.

Mababatid na maliban sa mga senior citizen, una nang inanunsyo ng LGU na mabibigyan din ng ayuda ang mga Persons with Disablities (PWDs) at maging ang mga tricycle drivers ay makakatanggap ng P1000 na pinansyal na asistensya.# || slm