Lahat ng rehiyon, ‘minimal risk’ na sa COVID-19 – DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) na nanatiling nasa “minimal risk” ang lahat ng rehiyon sa bansa pagdating sa COVID-19 case classification.

Sa isang media forum ay sinabi rin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa “low risk” ang lahat ng health systems capacity.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Ayon kay Vergeire, patuloy ang pagdating ng mga magagandang balita dahil sa pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa lahat ng lugar sa bansa.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Base sa klasipikasyon ng DOH, ang minimal risk na ay ang pinakamababang risk case classification para sa COVID-19.

Samantala, naiulat rin ng opisyal na ang average daily cases per day ng kasalukuyang linggo ay mas mababa ng 13% kung ikukumpara noong nakaraang linggo.