Filipino hairstylist, first-time Oscar nominee

Kinilala si Frederic Aspiras bilang first-time Oscar nominee sa Best Makeup at Hairstyling Category para sa kanyang trabaho sa ‘House of Gucci.’

Kaugnay nito, aminado si Aspiras na hindi niya inaasahang mano-nominate.

Read More:  Cianne Dominguez faces backlash from Jeo Ong’s fans over remark on PBB livestream

Si Aspiras ay ang unang Filipino at tanging second Asian American Oscar nominee sa naturnag kategorya.

Nabatid na ang Filipino-Vietnamese-American ay hairstylist na ni Lady Gaga sa loob ng nakalipas na 15 taon.

Read More:  Ronnie Liang reveals ambition to become next Philippine president

Maliban dito, nagtrabaho rin siya sa singer-actress sa critically acclaimed film na ‘A Star is Born.’

Samantala, sa kanyang trabaho sa ‘House of Gucci,’ kinilala rin si Aspiras sa Santa Barbara International Film Festival at na-nominate sa iba pang award-giving bodies. //MHEL PACIA-TRINIDAD