Idineklara ng Davao City si vice presidential candidate Professor Walden Bello bilang persona non grata matapos nitong sabihin na naging sentro ng kalakaran ng ilegal na droga sa Mindanao ang nasabing lungsod.
Sinabi sa panukalang resolusyon na pirmado ni City Councilor Danilo Dayanghirang na dahil sa malisyosong paninira ni Bello ay na-discredit ang efforts at commitment ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan sa paglaban sa ilegal na droga.
Mababasa rin sa resolusyon na ang pahayag ni Bello ay makasasama lang sa economic recovery efforts sa Davao City, lalo na sa pagsusulong ng turismo at investment opportunities sa kanilang lungsod.

Iginiit rin sa resolusyon na sa kabuoan ay apektado ng pahayag ni Bello ang reputasyon ng lokal na pamahalaan.
Dineklara naman ng Davao City na hindi welcome sa borders nito si Bello at sa buong territorial jurisdiction ng lungsod.