Inihalal ng Liberal Party ang veteran lawmaker na si Edcel Lagman bilang kanilang bagong presidente, na papalit kay dating Senator Francis Pangilinan, na pinangalanan naman bilang party chairman.
Pinalitan ni Pangilinan si dating vice president Leni Robredo.

Kaugnay nito, pinangalanan din ng LP si dating Quezon City lawmaker Christopher Kit Belmonte bilang kanilang vice chairman; dating deputy speaker Lorenzo Tañada III bilang executive vice president; datinig Ifugao lawmaker Teddy Baguilat bilang secretary general at Oriental Mindoro Representative Alfonso Umali, Jr. bilang treasurer.
Samantala, sinabi ni Pangilinan na mula sa pagiging apat na LP chapters noong 2019, dumami pa umano ito ngayon sa 165 chapters.
Inihayag din nito na ang LP ay mayroong 400 elected officials sa kanilang ranks at 10,000 non-political members.