Aminado ang Department of Education (DepEd) na hindi nakakamit sa ngayon ang layunin na makakuha ng trabaho ang mga nagtatapos ng K to 12 program.
Sa kabila nito, patuloy ang ginagawang assessment ng ahensya sa naturang programa.
Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, na ang direksyon ng Senior High School program ay maihanay ang itinuturong kasanayan, lalo na sa technical at vocational, batay sa pangangailangan ng industriya.
Kaugnay nito, sisimulan umano ng DepEd ang pagrepaso sa Grade 11 at 12 curriculum sa Nobyembre, habang natapos na ang pagrepaso sa curriculum ng Kindergarten hanggang Grade 10.
