Humirit ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Kongreso ng karagdagang pondo para i-promote umano ang 2016 legal victory ng bansa laban sa China sa West Philippine Sea.
Kaugnay nito, nasa P29 million ang hinihiling ng ahensya para isulong ang “campaign approach” sa pag-promote sa arbitral award, na ibinaba ng Permanent Court of Arbitration sa Hague noong 2016.
Ayon kay Assistant Secretary Sulpicio Confiado, na kailangan umano ang naturang kampanya para makakuha ng malakas na suporta mula sa international community para sa rule of law.
Kabilang sa mga inisyatibo na planong ilunsad ng DFA ay ang publication ng libro para sa “Philippine milestones” na may kaugnayan sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Dagdag ng DFA, na ang bahagi ng pondo ay gagamitin na pambayad sa mga personnel na nangangasiwa sa application process para sa marine scientific research (MSR) sa West Philippine Sea.
