Laboeñong short film Director, nominado sa Gawad Urian 2021

Inilabas ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang siyam na nominado para sa Best Short Film Category sa gagawing 44 Gawad Urian 2021 award. Sa buong Pilipinas  inilabas ang mga pangalan nitong nakatalikod na Setyembre 20, 2021 kabilang dito ang isang isang direktor na Laboeño na si Levilou Corpuz

Ang kanyang maikling pelikula ay pinamagatang  “Ang Bahagharing Uhaw sa Ulan” na mapapanood ng libre sa Youtube.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Naging nominado rin ang nasabing pelikula sa Gawad Sining 2020 sa kategoryang Best Director, Best Actor, Best Supporting Actor, Best Production Design at Best Screenplay na nagkamit ng parangal bilang Most Promising Writer, Most Promising Director at Best Supporting Actor.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Ang Gawad Urian ay isang prestehiyosong parangal na ginaganap taon taon sa Pilipinas mula pa noong taong 1977 na iginagawad ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino at kasalukuyang itinuturing na katapat ng New York Film Critics Circle ng Estados Unidos na nagbibigay pagkilala sa larangan ng pelikulang Pilipino.

(PHOTO: LEVILOU CORPUZ FB PAGE)