Higit 1 million na residente sa region 12, nakapagparehistro na sa PhilSys

KORONADAL CITY- UMABOT na sa 38.92% ng target na populasyon sa buong Soccssksargen ang nakapagparehistro sa Step 2 process ng Philippine ID System (PhilSys).

Batay sa PhilSys Step 2 Dashboard ng Philippine Statistics Authority o PSA Region 12 noong September 11, nasa 1,029,500 na ng 2,645,264 na target ang narehistro.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Pinakamarami sa mga ito ay narehistro sa Cotabato province na umabot na sa 310, 348. Ito ay sinusundan ng General Santos City na may 281, 148; South Cotabato-191,505; Saranggani-127, 721; at Sultan Kudarat na may 118, 778.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Sa ngayon, on going ang PhilSys registration sa 76 na mga registration centers sa Soccsksargen region.

Layon ng Philippine ID System Act na magkaroon ng isang national ID para sa lahat na mga Pilipino at mga resident aliens sa bansa.