LA Tenorio, naitala ang ika-700 consecutive game sa PBA

Naitala ni Barangay Ginebra guard LA Tenorio ang kanyang ika-700 consecutive game o sunod-sunod na laro kasama ng PBA.

Naka-five points at four assists ang binansagang PBA’s ‘Iron Man’ sa ginanap na 2022-2023 PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo.

Read More:  Pinoy surfer John Mark Tokong advances to Round 2 of World Surf League

Ayon kay Ginebra coach Tim Cone, disiplinado umano si Tenorio at may work ethics kung saan maituturing siyang ‘professional’ sa kanyang karera.

Read More:  JRU Heavy Bombers dominate Mapua, notch second win in NCAA Season 102

Samantala, iginiit ng basketball player na wala siyang problema sa kahit na sinong tao sa PBA at nag-eenjoy umano siya sa kanyang mga laro. (ARGIE ERGINA)