Jennylyn Mercado, sinimulan ang kanyang fitness journey matapos manganak

Sinimulan ni Jennylyn Mercado ang kanyang fitness journey isang buwan matapos manganak sa kanyang unang baby sa asawang si Dennis Trillo.

Aminado ang aktres na hindi madali ang postpartum fitness pero determinado umano siyang gawin ito.

Sinabi naman ng kanyang fitness coach na focus nila ang mobility ni Mercado sa joints at spine nito.

Samantala, may isa pang anak ang naturang aktres sa dating karelasyon nito na si Patrick Garcia.

(ARGIE ERGINA)