La Niña, pinaghahandaan na ng pamahalaan

Kasalukuyang pinaghahandaan na ng El Niño task force ang La Niña, ngayong opisyal nang dineklara ang pagtatapos ng nasabing phenomenon.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Assistant Secretary Joey Villarama, magiging Task Force La Niña na sila sa mga susunod na buwan.

Read More:  Marcos nears completion of fifth SONA speech

Nilalayon aniya nilang mabawasan ang maapektuhang magsasaka at mangingisda sa panahon ng tag-ulan.

Dagdag pa nito, mas pinangangambahan ng Department of Agriculture (DA) ang La Niña dahil mahihirapang maka-recover ang mga agricultural lands kapag ito’y binaha.

Read More:  US Secretary Marco Rubio meets Marcos in Manila

Opisyal na idineklara ng PAGASA ang pagtatapos ng El Niño phenomenon kahapon, gayunpaman, nagbabala ang ahensya na maaaring magsimula ang La Niña sa Agosto at magpatuloy hanggang sa huling tatlong buwan ng taon.