Babae binaril patay sa bayan ng Datu Odin Sinsuat

Dead on the spot ang isang babae sa isa na namang kaso ng pamamaril sa Barangay Capiton ng bayan ng Datu Odin Sinsuat, Magindanao del Norte pasado alas singko kahapon ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas Ola, na nagtamo ng  pitong tama ng bala sa ulo at katawan na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Lumalabas sa imbestigasyon na habang sakay ng payong2x ang biktima kasama ang dalawa nitong kaibigan at palabas na sana sa isang iskinita sa lugar nang paputukan ito ng dalawang lalake na may kasamang isang babae gamit ang 45 caliber pistol.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Dahil sa pangyayari ay nasawi si alyas Ola habang ang dalawa nitong kasamahan ay mabilis na tumakbo at nagtago sa mas ligtas na lugar samantalang ang mga salarin naman ay agad na tumakas matapos ang krimen.

Dipa mabatid ngayon ng mga otoridad kung ano ang sanhi ng pamamaril sa biktima at kung ano ang motibo sa krimen.