‘Dream come true’ para kay Senador Christopher “Bong” Go ang pagkakaroon ng bansa ng National Academy of Sports (NAS).
Anayon sa Senador, dahil dito ay makakapagbigay na ng mas dekalidad na edukasyon at makakapagproduce ng mahuhusay na atleta ang bansa.
Aniya, ikinagagalak niya ang pagkakatatag ng nasabing paaralan sapagkat magbibigay ito ng pagkakataon sa mga atleta na magtraining at malinang ang kanilang mga kakayahan.
Matatandaan na si Sen. Bong Go ang may akda at naging co-sponsored ng panukalang batas sa senado na Republic Act No. 11470 noong 2020 na naglalayon na maitayo ang nasabing pasilidad.
Ang nasabing paaralan ay mag-aalok ng secondary education program na mayroong special curriculum on sports sa koordinasyon ng Department of Education (DEPED) at Philippine Sports Commission (PSC).(CLAY MARQUEZ)
#