Kunsomidores ng Canoreco sasalubungin ng bahagyang pagbaba ng singil sa kuryente sa Oktubre

CAMARINES NORTE- Sasalubungin ng bahagyang pagbaba ng singil sa kuryente ang mga kunsomidores ng Camarines Norte Electric Cooperative sa Oktubre.

Ito ay dahil bumaba ang billing rates na babayaran para sa September 2021 billing kumpara noong  Agosto.

Ang residential rate ay Php10.5173 per kWh kumpara sa Php10.6378 per kWh noong nakaraang August 2021 billing.

Ang low voltage rate naman ay Php9.5638 per kWh at ang high voltage rate ay Php8.0525 per kWh kaya nagkaroon ng bahagyang pagbaba na nasa Php0.1205 per kWh.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa isang pahayag sinabi ng Canoreco na  ang bahagyang pagbabang ito ay bunsod ng pagbaba ng Generation Charge na resulta ng mas mababang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Ang Generation Charge ay nagbabago kada buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.

Bumaba rin ang Transmission Charge ng Php0.0907 per kWh dahil sa mas mababang Ancillary Service Charge sa billing ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Maging ang System Loss Charge ay bumaba rin ng Php0.0077 per kWh at ang VAT Charges ng Php0.0115 per kWh.

Sa kabilang dako, tumaas naman ang GRAM/ICERA at Lifeline Subsidy charges ng Php0.0017 per kWh.

Ayon pa sa naturang kooperatiba ng kuryente mapababa man o mapataas ang buwanang billing rates ay aprubado ito ng Energy Regulatory Commission (ERC).