Alert level 4 itinaas na sa Legazpi City dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19

LEGAZPI CITY – Mahigpit na ipapatupad sa lungsod ng Legazpi ang bagong Guidelines at protocols matapos isailalim sa alert level 4 ang lungsod dahil sa patuloy ang pagdami ng covid 19.

Ayon sa Alkalde Noel Rosal ng Legazpi, sa bagong guidelines ay inatasan nito ang mga barangay at mga awtoridad na bantayan ang mga matataong lugar at sakaling lumabag ay bigyan ng kaukulang penalidad.

Dahil dito kailangan sundin ng mga Legazpeño ang mga bagong alintuntunin kung saan ay hindi muna pinapayagang lumabas ang nasa edad na Labingwalong (18) taong gulang pababa at animnapu’t limang (65) taong gulang pataas.

Kabilang rin na mananatili sa bahay ang mga may immunodeficiency, comorbidity, o iba pang mga panganib sa kalusugan, pregnant women at maliban na lang kunh ito ay essential na kinakailangan lumabas na magtungo sa establishment ay pinapayagan ito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Dagdag pa nito, pinayagan din naman ang mga business establishment na mag operate subalit ito ay mga kondisyon na dapat sundin tulad ng take out at delivery riders ay 100%, indoor dine in services 10% ngunit ang mga workers  or employees ay fully vaccinated habang 30% para naman sa outdoor dine in service maging ang spas, barber shops at iba at kinakailangan rin na ito ay kompleto sa bakuna.

Samantala, aabot din sa 10% hanggang 30% capacity para sa mga fully vaccinated na outdoor services sa mga religious gatherings habang ang necrological services ay tanging papayagan ay mga family members and other relationship.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Hindi rin pinapayagan ang mga nasa high risk area na lugar o mayroong contact pagdating sa mga sports activities tulad ng basketball, volleyball at iba.

Maliban pa rito,  maging ang mga government agencies atleast 20% on site capacity habang ang ibang  empleyado ng mga ito ay work from home.

Magpapatupad rin ng curfew hours ang lungsod simula 11pm hangang 4 ng umaga.

Sinabi pa ng opisyal, epektibo ang nasabing guidelines at protocols ngayon araw at magtatapos ito sa Oct 9 12midnight 2021.