LEGAZPI CITY – Pinasilip na ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Daraga, Albay ang bagong Guidelines na susundin kung sakali na isailalim na ang bayan sa General Community Quarantine o GCQ.
Ayon kay Mayor Victor Perete ng Daraga, naglabas ng panibagong Guidelines at Protocols upang muling maghigpit sa pagpapatupad sa kanilang lugar dahil sa dumarami ang bilang ng mga kaso ng covid 19.
Dahil dito kailangan sundin ng mga mamamayan ang kanilang mga inilabas na alintuntunin tulad ng pagsusuot ng facemask at faceshield tuwing lalabas ng kanilang tahanan, Physical Distancing na hindi bababa sa isang (1) metro.
Hindi na rin muna pinapayagang lumabas ang nasa edad na Labingwalong (18) taong gulang pababa at animnapu’t limang (65) taong gulang pataas.
Kabilang rin na mananatili sa bahay ang mga may immunodeficiency, comorbidity, o iba pang mga panganib sa kalusugan at pregnant women.
Magpapatuoad rin ng panibagong curfew ours ang nasabing bayan simula 10:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.
Ang lahat ng mga negosyo at iba pang mga aktibidad pinapayagan lamang ng 50% capacity tulad ng mga malls, merkado, groseri at iba pang mga tindahan; Mga restawran, canteen, cafeterias, amusement park; Mga salon / barbero; at Resort. Kabilang rin dito ang mga social gathering kung saan ay tatanggap lamang ang mga ito ng 30% capacity tulad ng kasal, misa at iba pang aktibidad.
Pinagbabawalan muna sa ngayon ang mga aktibidad tulad ng fiesta, face to face classes for basic education, community pantry at iba pa.
Suspendido rin muna ang pamamahagi at pagkuha ng mga modyul para sa pangunahing edukasyon sa lahat ng mga pampublikong paaralan hanggang Oktubre 10, 2021, habang ang mga pribadong paaralan ay nasa pagpapasya ng mga pinuno at tagapangasiwa nito.
Maliban pa rito tanging papayagan muna sa ngayon ang mga outdoor non contact sports tulad ng Pag-jogging / paglalakad / pagtakbo; Pagbibisikleta, Golf, Paglangoy, Tennis at Badminton. Samantala, ang lahat ng papasok ay dapat sumunod sa mga hinihiling na itinakda ng Bicol Inter-Agency Task Force para sa Management of Emerging Infectious Disease at ang mga ipinahayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay.