Ipinagtanggol ng basketball player na si JM Bravo ang kaniyang ka-teammate na si Ato Barba matapos itong sisihin at batikusin ng mga netizens sa nanyaring insidente noong laban ng Lyceum at Arellano University.

Mababatid na nawalan ng malay si Bravo matapos mabangga kay Renzo Abiera habang nasa kalagitnaan ng laro kontra Arellano. Agad siyang nilapitan ni Barba at pilit na ginigising.
Kinondena ng mga netizens ang ginawa ni Barba dahil baka makalala ito sa sinapit ni Bravo.
Ayon kay Bravo, na iintindihan niya ang ginawang aksyon ng kaniyang ka-teammate dahil concern lamang ito. Sa ngayon nasa mabuting kalagayan na si Bravo pero kailangan pang sumailalim sa karagdagang pagsusuri.