Korte Suprema: ‘red-tagging’ bilang banta sa kalayaan, isang patunay na pagbibigay ng halaga ng gobyerno sa demokrasya

Wi-nelcome ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang naging pagdeklara ng Korte Suprema sa red-tagging bilang banta sa buhay, kalayaan at seguridad ng target na biktima.

Anya, isa itong magandang hakbang upang maproteksyunan ang kalayaan at maitaguyod ang pananagutan sa mga pangre-redtag.

Dagdag pa niya, isa lang din itong patunay ng pagbibigay-halaga ng gobyerno sa demokrasya sa pamamagitan ng pagprotekta sa mga indibidwal na target nito.

Samantala, umaasa naman ang senadora na mababasag nito ang kultura ng paninikil na dulot ng red-tagging at mabibigay nito ang katarungan para sa mga nakaraang biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *