DOLE, tiniyak ang mga hakbang na reresolba sa tumaas na unemployment rate sa bansa

Pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang naitalang bahagyang pagtaas sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Sec. Bienvenido Laguesma, sinabi nitong isa sa nakikita nilang dahilan ang ay pagpasok ng mga bagong indibidwal sa workforce.

Kaugnay nito, nagpapatuloy aniya ang ginagawang hakbang ng ahensya para matugunan ang issue.

Ilan sa mga ikinakasang interventions ng DOLE ay ang job fair, employment referrals and facilitation, at mga programang may kaugnayan sa livelihood.

Mababatid na umakyat na sa 3.9% ang unemployment rate sa bansa sa buwan ng Marso.

Mas mataas ito sa 3.5% noong buwan ng Pebrero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *